Isa, dalawa, tatlo, apat, lima...
Teka parang ayoko na..
Back out na lang kaya ako?
Pero minsan naiisip mo ba?
"Ano kaya kung itinuloy ko yung balak ko?
Ano kaya kung hindi ko itinuloy?
May magbabago kaya?
May mag-iiba kaya?"
Oo naman.
Maaaring malaki, maaaring maliit, o kaya maaaring hindi mo lang mapapansin pero ibang iba pala dapat ang "ikaw" na kilala mo ngayon at kung nasaan at anong ginagawa mo ngayon.
Lahat ng ito, nakaugnay sa mga pinaggagawa mo noon, at pati na ngayon sa mga oras na ito.
Bakit nga ba natin kailangang balikan ang nakalipas?
E nakalipas na nga naman, hindi na dapat pinagtutuunan o pinagsasayangan pa ng atensyon o panahon.
Ngunit ang nakalipas, ngayon at bukas ay magkakadugtong sa isa't isa.
Kung ano ka ngayon ay maaaring bunga ng ginawa o naidulot sa iyo ng kahapon; o kaya'y ang ginawa mo ngayon ay maging panuntunan ng kung ano ka bukas o sa hinaharap.
O. Itutuloy mo ba?
Ang ngayon ay nakalipas na..buhat nang mabasa ng iyong mga mata ang salitang 'ngayon'; ipinroseso na ng maliit na tipak ng karne sa ulo mo ang impormasyong nakalap ng iyong mga mata, at ilang segundo na ang nakalipas sa mga sandaling maisip mo ang ngayon.

Hindi mo nararanasan ang NGAYON. Ang lahat ng ito ay nakaraan na. Kasalukuyan pa lamang na ipinoproseso ng utak mo sa isang iglap ng segundo ang NGAYON ay hindi nalalaman ng iyong pananaw na nakalipas na ito.
Ang NGAYON na alam mo ay sangkapat o higit pang segundo na ang nakalipas sa totoong "ngayon" depende sa bilis ng paghimay ng utak mo ng impormasyon.
AT ang nakaraan na mga oras na iyon ay nakakaapekto sa iyong hinaharap sa mga paraan na ni-kailanma'y hindi mo maiisip sa kasalukuyan.
Sa mga nilalaman ng utak mo, sa mga pag-intindi mo sa mga bagay, at sa kung paano iproseso ng utak mo ang impormasyon na nakalap ng mga pandama mo; doon nakadepende kung paano ka kikilos o tutugon, na magbibigay katuturan sa iyong kasalukuyan.
Mayroong mga nagsasabi na kung ano ka ngayon, ay iyon ka rin bukas.
Totoo iyon, ngunit kung iisipin mo, maaari mong baguhin ang magiging ngayon mo na magdudulot sa iyong hinaharap.
Paano?
Unang sampung segundo.
Sa bawat unang sampung segundo, isipin mo na dapat kang kumilos.
Ang pagsisimula ay hindi nagsisimula sa buong isang oras.
Nag-uumpisa ito sa unang sampung segundo na naisip mong dapat ka nang kumilos at sa pagsasakatuparan nito sa mga susunod pang segundo.
Isa.
Dalawa..
Tatlo...
Apat....
Lima.....
Anim......
Pito.......
Walo........
Syam.........
Sampu..........
#