Hindi totoong walang naitutulong ito.
Maaari
mang hindi nito maayos o malunasan ang sakunang kinakaharap mo, ngunit
hindi mo pansin na kung wala ito, malamang baliw ka na ngayon.
Sa
katunayan, nalilinis nito ang dumi sa ating mga mata, kasama ng mga
duming nakapagpapagulo sa ating isipan ay naaalis din nito ang mabigat
na dalahin na ating dinaramdam sa ating kalooban.
Kaya't
pagkatapos mong umiyak, dapat lang na mas magaan na ang loob mo, pag
hindi pa e subukan mong magbawas o maligo o kaya kumain, baka yun lang
ang kulang sa'yo. Aba'y kung hindi pa rin, magpakonsulta ka na sa
Doktor, kung maaari pa, sa Sikolohista (Psychologist)!
Wag nga lang masosobrahan sa pag-iyak, tiyak na sasakit ang ulo mo at pwede ka pang magkasakit o magkasipon.
Marami nang baliw sa mundo, wag nang dagdagan. Kung may nararamdaman, wag mong itago, ilabas lang yan! Ilabas lang nang ilabas! ;))

No comments:
Post a Comment